Focus Study Deskripsyon ng Proyekto   Metodolohiya              Profile ng Pangkat

  Community 

Community Profile

Pagpunta sa Santa Filomena

   Lahoy    

Ano ang Lahoy              Paggawa ng Langis           Mga Testimonya          Mga Recipe ng Lahoy  Bibliograpiya

  Photos

Pagkuha at Pakinabang ng Lahoy

  Trivia

Lahoy Trivia

 

 

 

 

 

                                                                                               

  

   Mga Buhay na Testimonya

 ( Mga buhay na testimoya na  nakuha mula sa panayam sa ilang mga residente ng 

 

Santa Filomena )

 

         BENJAMIN ARENA- 51 YRS.OLD

          Nasubukan kong uminom ng squalene oil noong ako’y nagkaroon ng hypertension dahil marami na rin ang nagsasabi na nakakapagaan daw ito ng pakiramdam. Sinubukan ko ito at gumaan nga ang pakiramdam ko. Simula noon, hanggang ngayon umiinom pa rin ako nitong langis ng lahoy kapag naubusan ako pumupunta lamang ako sa aking kapitbahay na  nagbibinta ng langis ng lahoy dahil mural ang ang isang bote nito.

  

           MANUEL DALUMPINIS-68 YRS. OLD

          Mahigit limang taon na rin akong gumagamit ng squalene oil kasi ‘pag umiinom ako nito nagnonormalize ang daloy ng aking dugo at kahit ako ay 68 taong gulang, malakas pa rin ang aking pakiramdam. Hindi ako nakakaramdam ng hapo kahit mayroon akong ginagawa sa bahay.

   

       IRALIZ LACSI-43 YRS. OLD

Uminom  ako ng langis ng lahoy  dahil tuwing umiinom  ako nito hindi ako nakakaramdam ng pagod, lalung-lalo na tuwing dumadating ang aking buwanang dalaw  hindi talaga ako nakararamdam ng pananakit ng aking puson o dysmenorhea. Maganda itong langis ng lahoy dahil kahit ilagay ang langis sa ref. hindi ito tumitigas maaari mo itong inumin anumang oras.                        

     MICHELLE PINDANG- 6 YRS. OLD

   Nagkaroon ako ng asthma, simula ng aking pagkabata kaya  pinaiinom ako ng aking ina ng squalene oil na nanggagaling sa atay ng lahoy binili ito ng aking ina sa aming kapitbahay na nagbibinta ng langis ng lahay. Araw- araw ay umiinom ako ng isang kutsaritang squalene oil kaya ngayon ay maganda na ang aking pakiramdam at Magana pa akong kumain.

        LYDIA BERTOLDO- 69 YRS. OLD

    May sakit akong hyper-acidity, diabetes, high blood, anemia, skin allergy, at nakararanas din ako ng pananakit ng bato.Nabalitaan ko na ang langis na nagmumula sa bituka ng lahoy ay isang gamot sa lahat ng sakit, kaya akin itong sinubukan. Umiinom ako ng isang kutsara sa isang araw. At para sa aking skin allergy, ay pinapahid ko  ito sa bahaging naaapektuhan. Sa ilang araw kong paggamit ay epekto ito sa akin. Mula noon hanggang ngayon, ako’y anim na buwan nang gumagamit nito.

                                         

           ANGELITA ROMARATE- 39 YRS. OLD

  

 

 

            Noong ako ay may sakit na ubo, isang lingo akong nahirapan dahil sa makati ang aking lalamunan at kung susubo ako ng pagkain ay sumasakit ang aking lalamunan. Noong nabalitaan ko sa aking kapitbahay na may nagbebenta at gumagawa ng langis mula sa atay ng lahoy ay agad kong sinubukan ang nasabing gamot. Sa isang araw, umiinom ako ng isang kutsarang langis ng lahoy . Pagkaraan ng ilang araw, ay gumaling na ako. at naging    maayos ang  aking pakiramdam .

Mga Testimonya Mula sa Internet

 

  VECENTE ABANILLA

 Pacil M. dela Concepcion

Cebu City, Philippines

 

        Ang langis mula sa lahoy ay nakatulong sa akin. Noon ako ay nahihirapan dahil sa aking arthritis at mababa ang presyur ng aking dugo. Nagsimula akong uminom ng squalene tatlong kapsula bawat araw bago kumain . Ang aking naramdamang sakit ay unti-unting nawala . Salamat sa Diyos at sa Squalene . Ngayon dalawang kapsula na lamang ang aking iniinum upang manatiling malakas ang aking katawan.

 

LOURDES DULDULAO

240 McArthur Highway,Cuyugan Heights

Matina, Davao City, Philippines

 

     Simula ng gumamit ako ng Langis ng lahoy, ang aking athritis at sakit ng kasukasuan  ay nawala. ito rin ang nagrereguleyt ng aking pagbabawas ng dumi. Ako ay nagpapasalamat ng malaki sa Diyos dahil sa idad kong (75), ay nakakakilos at  nakakagawa pa ako ng mga gawaing bahay.

 

                         NEXT : Mga Recipe ng Lahoy

 

 Copyright 2008 Lahoy Langis ng Buhay , all rights reserved