![]() |
![]() |
|
Paano makarating sa Santa Filomena Ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan kung paano makapunta sa Sta. Filomena ay sa pamamagitan ng pagbiyahe sakay ng eroplano patungong Cagayan de Oro City. Merong mga regular na biyahe patungong Cagayan de Oro araw-araw mula Manila, Cebu, at Davao City. Ang oras ng pagbiyahe mula Manila ay maaaring abutin ng 1 oras at 20 minutos. Mula Cagayan de Oro City, sumakay ka ng van o di kaya ay taxi patungong Bulua Bus Terminal. Mula rito maaaring kang sumakay ng bus para makarating sa Sta. Filomena. Ang biyahe ay aabot ng hanggang 2 oras bago ka makarating sa naturang lugar. Kung ayaw mo namang bumiyahe sa pamamagitan ng eroplano, pwede ka rin namang sumakay ng barko, kaso nga lang aabot ito ng dalawang araw sa pagbibiyahe. Pero ngayon ang mga malalaking kompanya ng mga barko ay naghahandog na ng napakadaling biyahe patungong Iligan. Mula Iligan maaari kang sumakay ng dyip patungong Sta. Filomena.
|
Copyright 2008 Lahoy Langis ng Buhay , all rights reserved