![]() |
![]() |
|
Paggawa ng langis ng lahoy Ang Langis ng lahoy ay makukuha sa atay ng Lahoy o dog shark. Makikita sa ibaba ang proseso kung paano nakukuha ang Langis ng Lahoy mula sa isdang Lahoy. Ang Langis ay mahal kung bilhin, kaya naging pangkabuhayan na rin ito ng ilang mga mangingisda ng Santa Filomena.
Ito ang itsura ng Lahoy o "deep sea shark" na nakukuha sa dagat ng Santa Filomena.
Hinihiwa ang tiyang ng Lahoy
Pagkuha ng atay ng Lahoy
Iniipon sa malinis na lalagyan ang atay ng Lahoy
Sa pagluluto ng atay ng Lahoy kailangan ilagay sa malaking kawali. Gumamit ng kahoy bilang panggatong sa dahilang matagal itong kumikibal.
Kapag marami-rami na ang naipong langis sinasandok na ito.
Ito ang langis ng Lahoy. Iniinum ito ng ilang residente ng Santa Filomena. yaong gumagamit nito ay nagpapatunay na sila ay gumaling sa kanilang karamdaman. Mahal kung ito ay bibilhin sapagkat pangunahing sangkap ito sa mga gamot na panlaban sa anumang sakit maging ito ay kanser.
|
|---|
Copyright 2008 Lahoy Langis ng Buhay , all rights reserved