![]() |
![]() |
|
Metodolohiya
Ang makabuluhang proyektong ito ay pananaliksik tungkol sa isang uri ng isda na di- umano’y ang langis mula sa atay nito ay nalalabanan ang anumang karamdaman ng tao. Ayon sa natuklasan ng grupo, ang atay o liver ng isdang ito ay may malaking naitutulong sa mga tao, lalung-lalo na sa kabutihan ng kanilang kalusugan. Ito’y hinuhuli at pinagkakakitaan ng mga taga Sta. Filomena.Ito ay isdang tinatawag sa pangalang “LAHOY”na kauri ng mga pating. Ang LAHOY o mas kilalang Dog Shark sa Ingles ay isang uri ng isda na pangunahing pinagkukunan ng “Squalene Oil”. May sangkap itong nakakabuti sa kalusugan ng tao. Upang malaman kung paano ito kinukuha at mga kabutihang naidudulot nito sa katawan ng tao naisagawa ang pananaliksik na ito. Ang pangkat ay nagsagawa ng pakikipanayam sa kilalang LAHOY HUNTER ng Santa. Filomena. Nais makalap ng grupo ang mga impormasyon kung paano ikinukuha ang LAHOY sa pusod ng dagat at paano nakukuha ang langis mula dito. Nagsaliksik din ang pangkat mula sa “Internet” at nagbabasa ng mga kaugnayan na babasahin tungkol sa kahalagahan at benepisyong dulot ng langis ng lahoy sa kalusugan. Nagsagawa din ang pangkat ng panayam mula sa ilang residente ng Sta. Filomena bilang mga buhay na testimonya kung paano sila gumaling sa kanilang karamdaman dahil sa langis ng Lahoy. Ang mga nakalap na impormasyon ay tinipun-tipon ng pangkat upang mailathala sa nilikhang Website. Ang ginawang Website ay may pamagat na Lahoy:Langis ng Buhay. Itatampok na kalahok sa “Doon Po Sa Amin” sa kategoryang “Health and Wellness”.
|
Copyright 2008 Lahoy Langis ng Buhay , all rights reserved