![]() |
![]() |
|
Mga Recipe ng Lahoy ADOBONG LAHOY Mga sangkap: 1 kilong karne ng lahoy na nabalatan na 1/2 kutsarita ng Paminta 1 pirasong bawang na dinurog 2 pirasong sibuyas dahon na Hiniwa 2 pirasong atsal na Hiniwa 1/4 na tasa ng Toyo 1/4 na tasa ng Suka 1/4 na tasa ng Mantika Kauniting Asin Hakbang sa Pagluluto : Pakuluin muna ang lahoy bago ito balatan. Magpainit ng kawaling may mantika igisa ang bawang, sibuyas,atsal, at paminta.Ilagay ang karne ng lahoy.Lutuin ito ng mga ilang minute pagkatapos ilgay ang suka at toyo.Pakuluin muna ito ng 10 minuto at pwede nang ihain. Ginataang Lahoy
Mga sangkap: 1 kilong Lahoy 1/4 na tasa ng suka 1/2 kutsaritang paminta 5 pirasong bawang na dinurog 2 pirasong sibuyas na hiniwa 1 kutsarang asin 2 tasang gata ng niyog 5 pirasong siling labuyo 2 pirasong luya na hiniwa Hakbang sa Pagluluto: Pakuluin muna ang lahoy bago ito balatan. Maghanda ng mga isang kilong karne ng lahoy. Ihalo ang mga sangkap gaya ng bawang, sibuyas, suka, isang kutsarang asin, paminta at siling labuyo. Pagkatapos maluto ang mga sangkap, ilagay ang gata ng niyog. Pakuluin muna ng sampung minuto. Kapag luto na ito, pwede nang pagsaluhan ng mga mahal sa buhay. Masustansya na, masarap pa.
Kinilaw na lahoy
Mga Sangkap: 1 kilo ng Lahoy ( Slice into cubes) 1 Sibuyas na bombay 1 Luyang hiniwa 4 Kalamansi 2 kutsarang Asin 4 Suha 1 kutsarang Tabontabon 1 Tasang Suka 2 tasang gata ng niyog
Lagyan ng suka ang lahoy at pigaan, itapon ang pinigaang suka. Hiwain ang luya sibuyas at suha. Ihalo ang hiniwang sangkap sa lahoy, pagkatapos lagyan ng suka at timplahan,isama na rin ang katas ng kalamansi at tabon-tabon. Ilagay sa lalagyan at pagkatapos ay maaari na itong pagsaluhan.
(Ang mga Reciping ito ay mula sa kay G. Gualberto Lacsi)
|
Copyright 2008 Lahoy Langis ng Buhay , all rights reserved