![]() |
![]() |
|
Lahoy: Langis ng Buhay Panimula Ang maayos na kalusugan ay hangad ng bawat isa. Sa panahon ngayon na halos mahal na ang lahat na mga bilihin, hanggat maari bawal ang magkasakit. Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Lahoy: Langis ng Buhay” ay isang tampok na proyekto na nagpapakita ng kabutihang dulot ng langis ng Lahoy sa kalusugan ng tao. Kilala ang langis ng Lahoy o squalene oil sa halos buong mundo na at nais naming ipaalam na sa lugar ng Santa Filomena matatagpuan ang mga mangingisda na nag poprodyus ng lahoy. Bukod sa pagkain at food supplement , ito’y pinagkukunan din ng kabuhayan ng mga mangingisda ng taga SantaFilomena. Kayo’y aming inaanyayahan na galugarin ang site na ito para sa iba pang impormasyon tungkol sa aming tampok na paksa. Deskripsyon ng Proyekto Ang squalene oil ay kilalang isang anti-oxidant na pananggalang at nakapagpapagaling ng iba't-ibang sakit. Tulad ng ibang gamot ito ay natural sapagkat ito ay nagmula sa atay ng isda na kilala sa tawag na Lahoy ng mga taga-Iligan. Ang proyektong ito ay nagpapakita na sa lugar ng Santa Filomena ay may kakaibang isda na tinatawag na Lahoy at ang atay nito ay pinagkukunan ng tinatawag na squalene oil. Ang Website na ito ay nagawa upang maging tulay at maibahagi sa iba ang tungkol sa pambihirang isdang pinagkukunan ng nakagagaling na gamot gaya ng nabanggit na squalene .Ang proyektong ito ay binubuo ng grupo ng mga estudyante na nagsasaliksik tungkol sa Lahoy dito sa lugar ng Sta.Filomena. Upang makakuha ng tumpak na impormasyon, ang mga mag-aaral ay sama-samang nagplano at nagsasagawa ng pakikipanayam at paggalugad sa internet upang mabuo at maipresenta ang proyektong ito.Kinakapanayam din ng mga estudyante ang ilang mga residente upang magbigay ng kanilang testimonya na makapagpapatunay na nakakagaling at nakakatulong itong langis ng Lahoy sa kanilang mga karamdaman at nakakatulong din ito upang mapanatili ang kanilang kalusugan at kasiglahan ng kanilang pangangatawan. Dahil dito ang proyektong ito ay tinawag na Lahoy: Langis ng Buhay.
|
Copyright 2008 Lahoy Langis ng Buhay , all rights reserved