Focus Study Deskripsyon ng Proyekto   Metodolohiya              Profile ng Pangkat

  Community 

Community Profile

Pagpunta sa Santa Filomena

   Lahoy    

Ano ang Lahoy              Paggawa ng Langis           Mga Testimonya          Mga Recipe ng Lahoy  Bibliograpiya

  Photos

Pagkuha at Pakinabang ng Lahoy

  Trivia

Lahoy Trivia

 

 

 

 

 

                                                                                               

  

           Ano ang Lahoy?

         Ano nga ba ang Lahoy? ang Lahoy ay tawag sa mga taga- Iligan sa isang isda na kauri ng pating. Ito ay kilalang "dog shark" o "deep sea shark".Kauri man ito ng pating ngunit ito'y hindi nakakapaminsala sa mga tao sapagkat ito'y napakaliit. Naninirahan ang lahoy sa malalim na bahagi ng dagat na may sukat na anim na raan hanggang isang libong metro (600 to 1000m) na walang liwanag ng araw.Pambihira ang isdang ito,marahil dahil sa atay nito na pinagkukunan ng langis at ang naturang langis naman ay pangunahing sangkap sa mga kilalang gamot na nabibili sa mga botika. Tinaguriang Langis ng Buhay ng mga mananaliksik ang langis ng lahoy dahil ang langis na ito ay nakakagamot o panlaban sa anumang uri ng  karamdaman maging ito man ay  kanser.

     Marami ng mga pananaliksik ang isinagawa tungkol sa epekto ng langis ng lahoy sa kalusugan ng tao. Napapatunayan sa alin mang mga pananaliksik na ang langis ng lahoy ay nagtataglay ng pambihirang sangkap na maaaring magpapagaling at nagpapaganda ng kalusugan at pangangatawan ng sinumang sumusubok dito.

    Napakaraming benepisyong nakukuha mula sa langis ng lahoy tulad ng sumusunod: nagpapalakas ng "Immune System", nakakatulong sa maayos na pagtunaw ng mga pagkain sa ating "Digestive System", tumutulong ito sa pagpapanatili ng bilang ng "white blood cells" sa isang pasyente na maysakit tulad ng "Chronic Lymphatic Leukaemia", nagpapagaling ito ng anumang sakit sa balat tulad ng fungi, nagpapababa ng pamamaga at pamumula ng kasu-kasuan na may kasamang pananakit, tumutulong sa pagpapabuti ng kutis at buhok, gumiginhawa ang sakit ng arthritis at maraming pang ibang mga karamdaman na pinagagaling ng gamot na may sangkap ng langis ng lahoy o tuwirang pag-inum mismo ng purong langis nito.

    Para sa mga mangingisda ng Santa Filomena ang Lahoy ay katuwang nila sa kanilang kabuhayan. Ang pangunguha ng lahoy ay buhay nila. Hindi madali ang pangunguha ng lahoy. Kailangan mo ng sapat na kagamitan para lamang sa pangunguha ng  lahoy. Naghahanda sila ng napakahabang lubid tinatawag nila itong "parangle" sa lubid na ito nakakabit ang napakaraming "taga" o "hook" na may pain ng isda sa dulo ng lubid nakabuhol ang bato na may halos dalang kilo saka inihulog sa malalim na dagat hanggang umabot sa buhanginan nito sapagkat doon nakatira ang mga lahoy.Pagkatapos ng mga apat hanggang limang oras maaari ng hanguin ang lubid na may mga isdang lahoy na dumikit sa "taga". Maraming pwedeng magagawa sa isdang lahoy ito ay masarap na ulam sa hapag kainan, maari itong hiwain ng malapad at ibilad sa araw ito'y malutong na tuyong lahoy na kapag naluto.Malaking kikitain sa paglalahoy para kay G. Gersing Casas ang kanyang mga anak ay nakatapos sa pag-aaral dahil lamang sa kanyang pangunguha ng lahoy. Dahil sa  kabutihang dulot ng langis ng lahoy sa katawan ng tao, marami ng suki ang mga mangingisda na bumibili ng langis mula sa lahoy. Binibenta nila ito ng per kilo.

   Bagamat ang langis ng lahoy ay may kakaibang amoy hindi ito alintana ng mga mamamayan ng Santa Filomena. Maraming tumatangkilik sa pag-inum ng purong langis ng lahoy dahil para sa kanila ang langis ng lahoy ay nagpapagaling sa kanilang karamdaman at nagdudugtong ng kanilang buhay.Isang karangalan para sa mga Lahoy Hunter ng  Santa Filomena ang naturang paraan ng pangingisda sapagkat bukod sa nakapagsilbi sila sa kanilang kapwa pinagkukunan din nila ito ng kanilang ikabubuhay.

  

                         NEXT:  Paggawa ng Langis ng Lahoy

 

                                                                         Copyright 2008 Lahoy Langis ng Buhay , all rights reserved