powered by
 
 
 
 
 

CRSHS, Kaakibat sa pagsulong ng kulturang Igorot!

 

Ang Tam-awan Village ang isa sa mga panibagong atraksyong madalas bisitahin ngayon sa Baguio.
Ito'y itninayo noong 1998 sa tabi ng isang batis na siyang pinagkukunan ng tubig ng mga mamamayan
para sa kanilang pangaraw-araw na gawain at para na rin sa kanilang mga alagang hayop. Ang batis na
ito ang nagsilbing inspirasyon ng pagkakatatag ng Chanum Foundation.
Tulad ng batis na ito, nais nilang makatulong sa mga mamamayan.

Isa sa napakaraming layunin ng Foundation ay ang ipakilala ang interesanteng sining ng Cordillera,
kaya naman itinayo ang Tam-awan Village. Ito'y nagsimula lamang noon sa tatlong makasaysayang kubong
nagmula pa sa Banga-an, Ifugao. Ngayon ay mayroon na itong mahigit sa pitong kubo mula sa Ifugao at
dalawang mula pa sa Kalinga. Pinanatili ang mga orihinal na kagamitan sa mga kubo upang 'di mawala ang
historikal na kahalagahan nito, lininang lamang ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dayami sa bubong
nito at iba pang mga kagamitan upang mapanatili ito. Sa tulong ng mga bihasang artista, ang mga kubo ay
inayos upang makabuo ng Cordilleran Village. Dinagdagan din ng ilan pang pasilidad ang lugar upang mas
maging interesante.

Ngayon ay lubos na tinatangkilik ng mga turista ang Tam-awan 'di lamang dahil sa mga historikal na mga
kubo rito ngunit dahil na rin sa mga art exhibits, art workshops at ang napakagandang tanawin ng China
Sea na mas gumaganda pa tuwing lumulubog ang araw. Binibigyan din kasi ng pagkakataon ang mga bisita na
magpalipas ng ilang oras o 'di kaya'y gabi sa mga piling kubo, upang mas maramdaman nila ang buhay sa mga
kubong ito

Karagdagang kaalaman: Ang 'Tam-awan' sa pangalang 'Tam-awan Village' ay isang salitang Ibaloi na nangangahulgang
'tunghayan mo'. Ito ay piniling gawing pangalan ng lugar dahil sa magandang tanawin ng China Sea na kitang-kita sa naturang village.

 

 


 
MGA KARAGDAGANG KAALAMAN