![]() |
![]() |
||||||||||||||||||||
|
CRSHS, Kaakibat sa pagsulong ng kulturang Igorot!
Taon-taon ay isinasagawa ng Cordillera Regional Science High School ang Buwan ng Wika.Kaakibat ng pagdiriwang na ito ang iba't ibang mga paligsahan tulad ng pagsasagawa ng mga kultural na sayaw. Mula sa isa sa mga kompetisyong ito noong taong 2007, ay nabuo ang isang cultural dance group na pinangalangang 'Cordillera Regional Cultural Group'. Ito ay pinamumunuan ni bb. Hether Gonsoden na siyang nagtuturo ng mga kultural na sayaw kasama ang iba pang mga kaibigang mula sa Mt. Province. Sa sumunod na taon ay pormal na ipinakilala ang pangkat na ito bilang 'Gag-ay' na nangangahulugang pakikipaghalubilo. Simula dito'y unti-unting nalinang ang pangkat, sinalihan ito ng mga estudyante mula sa iba't ibang mga taon. Dahil sa pangkat na ito ay natututunan ng mga mag-aaral ang iba't ibang mga sayaw-Igorot. Naipapakilala rin ng CRSHS ang kulturang Igorot sa pamamagitan nito, dahil ang Gag-ay ay iniimbitahan ng magtanghal 'di lamang sa paaralan kundi pati sa iba pang mga programang isinasagawa sa pamayanan.
|
|
|||||||||||||||||||