powered by
 
 
 
 
 

CRSHS, Kaakibat sa pagsulong ng kulturang Igorot!

 

Ang kultura’t sining ng mga Igorot at ng buong Pilipinas ay isang bagay na dapat ay nililinang, ipinagmamalaki at ipinamamahagi. Kaya naman ang maging parte ng pagpapalago’t pagpapakilala ng kultura natin lalong-lalo ng ng Cordillera, ay isang karangalang maituturing. Sa ganitong kaisipa’t layunin, ay pilit na tumutulong ang Cordillera Regional Science High School sa pagpapakilala ng kultura ng hindi lamang ng mga Igorot, kundi ng buong Pilipinas.

Taon-taon ay ipinagdiriwang ng paaralan ang Buwan ng Wika’di lamang tuwing Agosto ngunit sa buong taon. Ito ay sa kadahilanang walang pinipiling panahon sa pagkilala sa sarili nating kultura’t wika. Isa ito sa mga mahahalagang aral na ipinapaalala sa mga mag-aaral ng paaralan.

Kalakip ng pagkilalang ito ang iba’t ibang mga gawain o kompetisyon na nagpapahusay pa sa pagintindi ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng kulturang Igorot. Hindi lamang ito isinasagawa sa paaralan, hangga’t maari’y sumasali ang mga mag-aaral sa mga kompetisyon sa labas ng paaralang kaugnay sa kultura’t wikang Pilipino, ito’y tanda ng pagmamalasakit ng CRSHS sa kultura natin.

Maliban sa mga ito ay mayroon din ang Gag-ay, ang cultural dance group ng paaralan. Sa pamamagitan ng pagtatanghal ‘di lamang sa paaralan kundi pati na rin sa mga gawain sa labas ng paaralan, ay naipamamahagi ng mga mag-aaral ang kulturang Igorot.

 


 
MGA KARAGDAGANG KAALAMAN