powered by
 
 
 
 
 

CRSHS, Kaakibat sa pagsulong ng kulturang Igorot!

 

Ang ritual ng pagpapakasal sa Bontoc ay umaabot ng pitong araw!

Ang pagpapakasal kasi ay isang napakasagradong pangyayari na dapat ay sineseryoso. Sa loob ng pitong araw na ito ay masisiguro ang pagmamahalan ng magkasintahan.

Mga Igorot ang kauna-unahang nakapagboto para sa USA elections

Nang makita ng mga Amerikano ang lubos na pagkainteres ng mga Igorot sa pulitika, sila'y isinaman sa botohan para sa USA elections na pinagtatalunan nina Theodore Roosevelt at Alton Parker. Dinikitan ng mukha ng mga kandidatoang dalawang gong at inilalagay ng mga Igorot ang isang butil ng beans sa gong na kinalalagyan ng ninanais na kandidato. Dito'y nagwagi siRoosevelt sa botong 83-2.

Ang mga napakagandang Native American Woodcarvings na makikita mo sa Amerika ay gawang Igorot.

Makikita ang kaparehong estatwa sa Kiangan, Ifugao. Tunay ngang malayo ang nalalakbay ng sining ng mga Igorot!

Mga Igorot:FASHIONISTA!

Ang mga kagamitang Igorot ay 'di lamang sa Cordillera sikat, kahit sa ibang bansa ay malawakan na ang pagtangkilik sa mga ito. Ito ay dahil sa kagalingan ni Narda Capuyan na siyang utak ng pagpapalago at pagpapakilala ng kultura't sining ng mga Igorot sa pamamagitan ng kasuotang Igorot.

 


 
MGA KARAGDAGANG KAALAMAN