powered by
 
 
 
 
 

 

CRSHS, Kaakibat sa pagsulong ng kulturang Igorot!

Gallery


Pamilyar siguro sa iyo ang salitang ‘IGOROTAK’, madalas kasi itong marinig o Makita sa mga patok na souvenir ng Baguio. Ito ay nangangahulugang ‘Igorot ako’ sa wikang Ibaloi, Ilokano at Kan-kana-ey. Ang simpleng pagsambit o paggamit ng salitang ito ng mga Igorot ay isa ng pagpapakita ng kanyang pagmamalaki sa lupang kanyang tinubuan at dugong dumadaloy sa kanyang katawan.

Ang salitang ‘Igorot’ ay tumutukoy sa mga nagmula sa rehiyon ng Cordillera. Ayon sa mga mananaliksik, ang mga Igorot ay mula sa limang grupo ng mga Indones na naglakbay sa malawak na karagatan upang makalayo sa nagaganap na digmaan sa kanilang lupain. Sa kanilang paglalakbay ay nasalubong nila ang isang matinding bagyo na nagging dahilan ng kanilang pagkakahiwa-hiwalay. Isang grupo ang napadpad sa timog na bahagi ng Pilipinas habang ang iba pang mga pangkat ay napadpad sa Hilagang bahagi ng Luzon. Ang mga grupong napadpad sa hilagang Luzon ay naghati-hati sa ilang mga grupo’t naglakbay sa kaloob-loobang bahagi ng Luzon. Karamihan sa mga grupong ito’y napunta sa iba’t ibang bhagi ng Cordillera at doo’y pirmihang nanirahan. Sila’y nahati-hati sa iba’t ibang mga pangkat tulad ng mga Ibaloi, Kankana-ey, at marami pang iba.

Kung mga maipagmamalaki lang naman ang pag-uusapan, aba, marami niyan ang Cordillera. Naririyan ang makulay nakasaysayan ng rehiyon, mga kamangha-manghang sining at galling ng mga Igorot at ang nakatutuwang pag-uugali ng parehong pangkat.

Sa website na ito’y makikita mong ang pangalang Igorot ay maraming nakalakip na interesanteng mga bagay- mga bagya na dapat lamang ipagmalaki ng lahat. IGOROTAK!

 


 
MGA KARAGDAGANG KAALAMAN